Followers

July 11, 2009

at nabusog ako sa lahat ng kinain ko. (yung mga sinabi ko)

magsisimula na naman akong maglakad.
magsisimula na naman akong hanapan ng mga sagot ang lahat ng mga tanong ko sa buhay.

isa.

dalawa.

tat..



bumalik ako.
humahakbang na `ko pabalik.
ano na naman bang nangyayari sa akin?
at muli na naman akong minumulto ng nakaraan. isang nakaraan na pilit kong iniiwasan. isang nakaraan na ayoko nang maalala.
andito na naman yung dating kaba.
ang sabi ko, ayoko na.
ang sabi ko, tama na.
ang sabi ko, titigil na ko.

itatanong ko na naman sa sarili ko kung hanggang kailan ko lalabanan ang isang bagay lalo na kung alam ko sa sarili ko na matatalo ako.

haharap na naman ako sa labang iniwasan ko nang labanan.
ilang araw pa.
titingnan ko na naman ang lumulubog na araw, at iisiping siya pa rin ang kasama ko.
papaniwalain ko ang sarili ko na babalik siya.
na ako pa rin.
na siya pa rin.




tangna. baliw na talaga `ko.

No comments: