Followers

July 16, 2009

40109 (asanes)

ngayon ko lang napagtagpi-tagpi lahat. sa lahat ng nangyari, ako ang tanga nung una pa lang at kahit nitong huli. naisip ko na talaga.

ganun talaga eh. sadyang masaklap ang buhay at sadyang nagkakamali tayo para matuto. pero ang laki pala talaga ng pagkakamali ko. kasalanan ko lahat. kung hindi ko sinabi yon, edi sana, masayang-masaya pa rin ako sa buhay ko. walang mga etse-buretse. walang mga katarantaduhan. walang mga hunger strikes. walang mga gabi na magdamag akong dilat kakaisip. walang nasayang na luha at walang nasayang na pera. walang gulo. walang wala.

ginusto mo eh, kaya panindigan mo. kaya siguro pinaninindigan ko na ang lahat ng mga to. kasi ginusto ko nung una pa lang. ikaw, alam ko naman na hindi ka kikilos kung hindi ako ang nagbigay ng motibo. tama po ba? (amen!) wag kang umepal o umapela. ako ang tama sa pagkakataong to.

at isa pa. hindi ako manhid. sa humigit-kumulang na mga sandaling hawak ko ang kamay mo, alam kong meron ka pang hindi binibitawan. masyado rin pala akong nagtiwala. dapat pala hindi ako nagpaloko.

hindi ako tanga. pero pinili kong maging tanga dahil yun ang gusto mong gawin ko. hindi mo nga sinabi tong mga bagay na to pero uulitin ko, hindi ako manhid.

madaya ka. lahat ng gusto mo, sinunod ko. pero yung kaisa-isang hiniling ko na pagkadali-daling gawin, hindi mo ginawa. pwede mo namang pigilan yung sarili mo, pero hindi mo ginawa.

tanga ka rin. literal ka rin palang tao. at alam ko, ginusto mo rin na maging literal. mag-isip ka. hinintay mo lang sigurong ako ang unang magsabi. pero sa tingin ko, dalawa o tatlong araw, ikaw rin ang magsasabi non.

mahina kang tao. marupok ka. at madali kang sumuko. sa umpisa ka lang magaling. sa pangako ka lang mahusay. sana naging pulitiko ka na lang. pare-parehas kayo. mga buwaya. kumakagat kayo ng higit pa sa kaya nyong nguyain. ang galing mo kaibigan!

sinungaling ka. ilang beses na kitang nahuling nagsisinungaling pero hinayaan ko lang. lagi ko kasing iniisip na hindi naman kabawasan kung magsisinungaling ka. pero malaki pala talaga ang partisipasyon non sa isang relasyon.

niloko mo ko. at niloko ko rin ang sarili ko. makapangyarihan nga talaga ang utak. pero nasupot ang kapangyarihan ng utak ko dahil sayo.

sana, hindi mo na lang sinabi kung hindi mo rin lang kayang gawin. sana hindi mo na lang inilaban kung babawi ka rin pala sa huli. sana hindi ka na lang nangako kung di mo rin pala tutuparin. sana hindi mo na lang hinawakan kung bibitawan mo rin lang naman. sana di ka na dumating, aalis ka rin naman pala.

wala ka pa rin bang maintindihan? o mabagal ka lang talaga?

sa bawat hakbang,
sa bawat luha,
sa bawat yakap,
sa bawat halik,
at sa bawat pintig ng puso,
lahat ng ito, unti-unti nang nababaon sa limot.
sana, sa huli kong buntong-hininga,
mawala ka na.
kaya pala unti-unting lumalamig,
nag-iiba na pala ang iyong himig.
isang iyak at isang kampay,
konti na lang at mawawala ka na nang walang humpay.

No comments: