Followers

July 22, 2009

lulugo-lugo. gagago-gago. paaso-aso pa! yeh!

masaya.
hindi ko rin maipaliwanag. pero masaya.
hindi na kailangan ng detalye.
di naman importante yon.
masaya talaga.
alam mo yung "kuntento ka na sa ganon?"
yung tipong "mas ok kaysa noon."
tipong "hindi naman pala kailangang maging kami para maipadama ko na mahal ko siya.."
may lakas na ulit akong ibangon ang buhay ko.
hindi ko pala kailangan ng commitment.
masarap na ulit huminga.
mas maganda na ang mga bagay sa paningin ko.
ipokrito ako kung sasabihin kong ayokong maging kami ulit.
pero alam ko na ang limitasyon ko.
masaya pala kapag may limitasyon.
mas makikita mo ang unlimited kung limited ito.
mga tawang walang kaplastikan.
at mga biro na hindi na kailangang pag-isipan.
pati na rin ang kwentuhang walang hangganan.
mas masaya nang gawin.
natutuwa na ulit ako sa lumulubog na araw na dati'y kinaiinisan ko.
masarap na ulit pumapak ng asukal.
masaya na ulit maghalo ng pintura.
pinapainit na muli ng unan ang aking tiyan.
at kahit di yumakap ang kumot, sapat na uli ang init ko kahit ako ay malungkot.
maghapon pang umulan? kahit bagyuhin mo pa.
di na matitinag.
mas matibay na.
mas malakas na. :)

No comments: