Followers

June 26, 2009

istoryang gago.

naglalakad ako ng mag-isa. iniisip ko kung hanggang saan nga ba ang itatagal ng buhay ko.

napa-upo ako sa kanto. bumili ng isang stik ng yosi at isang candy habang iniisip pa rin kung ano nga bang mayroon sa buhay at bakit kailangang lumaban ako kahit ayoko na. kapagod.

humithit ako ng yosi sabay lasap ng candy. "bakit kaya hindi na lang ginawang madali ng Diyos ang buhay ng tao? diba mahal naman niya tayo?" at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakagawa ako ng kasalanan. isang malaking malaking kasalanan.

alam mo bang maling kwestyunin ang mga desisyon ng Diyos para sa atin? alam mo bang maling kwestyunin ang Diyos patungkol sa kapangyarihan nya? pero ganoon man, iniisip ko lagi kung bakit ganito. desisyon ko ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. pero alam kong ang Diyos ang nagbibigay ng pamimilian. bakit kaya hindi na lang siya ang mamimili at tayo ang gagawa ng mga bagay na pinili niya para sa atin? di ba?

naubos ang yosi. kailangan ko ng ituloy ang paglalakad ko. pero saan na nga ba ang punta ko? pero sige, tuloy lang sa paglalakad. baka nga makita ko rin ang matagal ko ng hinahanap.




-i just wanted to be left alone. not always though, just when i feel like it.

No comments: