Followers

June 22, 2009

boom boom shit.

every story has its own ending.
it's either a good one or a bad one.
a happy one or a sad one.
but still, it ends when the right time comes.
it's so confusing when you assume.
like a big labyrinth of thoughts..

ayun. medyo ok na naman ako ngayon. moving forward. embracing other pssibilities of finding true happiness.
but hstill hoping.
di naman daw kasi mabilis mawala yon. and base from experience, hindi nga naman. pinipilit kong gawing abala ang sarili ko para ma-divert lahat ng feelings. oks naman, gumagana. pero laging at the end of the day, ayun na naman ako. isang malaking talo.

sa iba, ok naman yung pasukan. the first week feels so great. pero i'm itching to commit absences kahit di naman kailangan. hahaha! kahit papano, napipigilan ko naman. ewan ko lang sa mga susunod na linggo.. :D

sa ngayon, tahimik ako. at natutuwa ako kasi ngayon lang ako halos nakaramdam ng inner peace. parang pahinga. ganon. yung wala masyadong iniintindi. pero parang nakakapagod pa rin.

ikaw? kailan mo masasabing masaya ka sa buhay mo? kailan mo masasabing kuntento ka? at nakukuntento ka nga ba?

nakagawa ka ng kasalanan. nagsisi ka. kailan mo masasabing tapos ka ng magsisi? kailan mo masasabing napatawad ka na ng taong nagawan mo ng kasalanan? at bakit gumawa ka ng kasalanan?

iniisip ko pa lang, nagdadatingan na ang mga sagot. pero hindi ko alam kung tamang sagot nga ba ang naibigay ko sa mga tamang tanong na ibinato ko. nasaan ang mali? saan makukuha ang tama? at paano mo malalaman kung ang ginagawa mo ay tama o mali? ang dami ko na namang tanong. kadalasan ko rin tinatanong kay Bro kung ano nga ba ang halaga ng buhay. kung bakit ako nabubuhay at hanggang kailan ako buhay. di ko naman sinasabing nagsasawa na ko dito sa buhay na ibinigay sa akin ni Bro, pero mapapaisip ka rin kung ano nga ba talaga an purpose mo.

marami pa talaga akong gustong gawin at makuha sa buhay. pero para saan lahat yon? lahat naman tayo mamamatay diba? madadala mo ba hanggang sa kabila lahat ng pinaghirapan mo? kukwestyonin ba ni Bro kung gaano kadami ang mga tagumpay mo sa buhay? at ano nga ba ang gusto mong patunayan? handa ka na bang makita siya? ano ang kaya mong ipagyabang sa kanya kapag nagkita na nga kayo ng tuluyan?

nagdudugo na naman ang utak ko kakaisip. wala rin akong makuhang matinong sagot.
pero ako lang ang makakaalam kung ano nga ba yon.
dahil ako naman talaga ang nagtanong.

No comments: