Followers

May 20, 2009

kwento. tres.

andami na.
nahihirapan na talaga ko. sabi ko pa naman sa sarili ko, mas matibay pa ko sa bato. pero mukhang iba yata ang nararamdaman ko ngayon..

ayoko tumigil. literally and figuratively. ayoko talaga. saan pupulutin ang isang out of school youth na di alam ang pasikot-sikot ng real world? at kaninong paa ang gagamitin ko para makatayo mag-isa? andami-daming tanong ang tumatakbo sa isip ko. di lang naman talaga ito ang problema ko sa buhay. pero ito lang ang magagamit kong paraan para makatakas..

simula pa lang ng magkaisip ako, ganto na talaga ko. laging come what may, laging bahala na. ayoko kasi na lagi akong binabagabag ng konsensya ko sa mga katarantaduhang ginagawa ko. masakit saken sa bandang huli kung ano man ang magiging outcome ng pagwawalang bahala ko. pero ang nakakagulat ay it always turn out the i wanted to be.

masyado akong nasanay sa ganong set up. kaya nung huli kong gawa ng kalokohan. wala na. di ko na ata matatakasan yun.


nag-aaral ako sa isang kilalang unibersidad sa kalakhang maynila. ang yabang ko pa noon. kasi manila boy ako. at akala ko, dun lang matatapos yon.

dami kong natututunan sa labas ng campus. mas marami pa actually kesa sa acads. masyado akong nawili. sabi ko nun maligaya na ko sa ganon. pero meron palang makakaalam ng mga kabulastugan ko.

unang nalaman ng erpat ko. sunod ng ermat ko at nag-sanga sanga na. hindi ako masyadong na-bother nung nalaman ko. pero sobrang natakot ako dahil di na raw ako mag-aaral. eto na naman ako, sabi ko sa sarili ko. ginagaya ko na naman ata si Master Bob sa mga diskarte sa buhay. akala ko mabibigyan pa ko ng isa pang pagkakataon, di na pala. kasalanan ko naman talaga ang kahat. naiinitindihan ko yon. di ko lang talaga alam kung sa papaanong paraan ako magsisimulang muli.

di man nakikita ng ermat ko o ng mga tao dito samen, pero ginagawa ko na ang lahat ng paraan para tumayong mag-isa. nahihiya na nga akong kausapin ang tita ko na nag-papaaral sakin eh. pakiramdam ko wala akong silbi.

gusto ko na ngang umalis dito samin. pabigat lang ako. isang bagay na ayokong isipin ng ibang tao sa akin. pero yun na ata ang nararamdaman nila. aalis nga ako, di ko naman alam kung saan ako pupunta. aalis nga ako, di ko naman alam kung may babalikan pa ba ko. lagi ko naman sinasabi na kung aalis ako, wala ng dahilan pa para sa muling pagbabalik. pero hindi naman lahat ng sinasabi ko ay totoo. oo naman. gusto kong bumalik-balik dito paminsan-minsan. pero ayoko na atang makita pa nila ako..

gusto kong magpaka-layo layo. yung sa lugar na hindi nila alam, yung sa lugar na di nila ko makikita. gusto ko pagbalik ko, maipagmamalaki nila ko kahit nilayasan ko sila. andami ko talagang pantasya, alam ko namang di mangyayari yon.

-masyado kasi akong naalagaan.
yan ang lagi kong naiisip sa tuwing may dumarating na problema sa akin na di ko masolusyonan. masyado akong bineybi. nasobrahan ako sa alaga. sa totoo lang, kahit kailan, di ako nakaranas ng hirap, na sya namang nararamdaman ko ngayon at sya namang kinasusuklaman ko. nasanay akong walang hirap, ngayon, ang bilis ko ng sumuko dahil nga nahihirapan na ko.

kung maibabalik ko lang ang oras nung mga panahong tinutubuan pa ko ng konsensya, siguro tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral ko. wala sanang problema at hindi ko rin siguro sinasabi tong mga bagay na to. pero wala eh. andito na to at ito ang mga bagay na bumubuo sa pagkatao ko. meron at marami akong pinagsisisihan. pero huli na ang lahat. sana lang makayanan ko pa ang mga susunod na pwedeng mangyari.

1 comment:

aim said...

on your "reyalidad" entry >>> correct me if im wrong, but i dont see any interest of you showing that you still want to be in school... why dont you call & talk to your tita to give you another chance? you tell her exactly what happened... im sure she's going to listen and she's very much willing to give you a 2nd chance... but one thing though, please make sure that you are not going to break her heart again...

peace :-)