Followers

May 13, 2009

kwento. dos!

arrrgh! the heck! nakakainis kaya! ano yon? parang lumalabas pa na ayokong mag-aral. hello? i would offer my life just to go back to school. ayoko lang na lumipat na naman ng school kasi hassle na naman yon. wala naman akong pakialam kung saan man ako mag-aaral. pero, the heck! shempers gusto ko mag-aral. naiinis ako kasi kasalanan ko naman lahat, atsaka wala naman akong ibang masisi dito. katarantaduhan ko to eh. ayun. si mama naman, kung makapag-dikdik eh. alam ko naman na masakit para sa kanya yon. pati shempers sa tita ko na nag-papaaral saken. pero if they would give me this one strand of chance, i can assure them that i will be a better man. sabi ko nga kay Bro (kay papa God), aayusin ko na talaga. ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit ako naging ganto. ayos naman ako dati eh. maybe it's because of the adrenaline rush it gives me whenever i cut classes. o siguro dahil na rin sa sobrang pag-a-absorb ko ng mga life experiences ni Master Bob (Bob Ong). high school pa lang ako, napa-paranoid na ako kakaisip kung anong mangyayari sa college. kung anong meron dito at kung paano ko sya iha-handle. okay nung mga unang buwan. pero habang tumatagal, mas nakikita ko na yung mga bagay na di pa nakikita ng karamihan. habang tumatagal, mas nakikita ko si Master Bob sa akin. ewan kung ginagaya ko sya o sadyang nagkakatulad kami ng mga pangyayari.

gusto ko shempers ituloy ang pag-aaral ko. ano na lang ang mangyayari sa akin kung gagago-gao ako diba? san ako pupulutin ng pagsusulat ko? sa sampung publishing houses na natawagan ko, apat lang ang sumagot, yung isa pa, hindi interesado. pero shempers patuloy pa rin akong umaasa. pag tumuntong na siguro ako sa edad ng pagiging imbalido, baka di ko mapatawad yung sarili ko dahil ilang libong papel na ang nagamit ko para sa pagsusulat ko, wala pang na-imprenta kahit isa. asar no?

inakala ko ng di na rin ako mabibigyan ng pag-asang muli, kaya sinubukan kong mag-hanap ng trabaho. nag-try ako sa dalawang call center agencies. ang totoo, madali lang naman daw pumasok sa mga ganon sabi ng contact ko. pero bwakanang inang yan! anong mga tanong ang binibitawan ng interviewer? putres! eh alien ata yon eh! wala akong maintindihan sa mga sinasabi! sumabog ang tenga ko kakaintindi sa kai-slang-an ng babae, di ko sya binigyan ng madaling laban. nakipagtalastasan ako sa banyagang salita ngunit di sapat ang aking bokabularyo para mapantayan man lang ang ka-alien-an ng babae. talo ako. pumunta pa ko sa isa ko pang in-apply-an. ok naman, medyo mild sya kumpara sa nauna. akala ko ok na lahat. di pala.

pagkaraan ng ilang araw, tumawag nga ang nasabing call center agency at pinapabalik ako sa kanila para mag-exam at para sa final interview. hataw ako sa exam. written kasi. alam kong madali. sisiw kumbaga. at pagkatapos nga ng exam ang final interview. ayon, unti-unti ng naubos ang dugo ko sa katawan kakaintindi sa interviewer. akala ko masisiraan na ko ng bait. gusto ko sanang sabihin na kakain ako ng apoy sa harapan nila, makuha ko lang ang trabaho. pero hindi. mukang hindi sirkero ang hanap nila. kaya tuluyan ko ng nilisan ang establisyimento. gusto ko sanang itakin yung puno sa tapat, maka-ganti man lang sa ginawa nila. pero alam ko naman na hindi sila ang may pagkukulang, kaya wala akong dahilan para itakin yung puno.

sabi ko nga sa sarili ko, ang bata ko pa para mapagod. di pa panahon para sumuko ako sa mga gantong simpleng bagay. kailangan ko lang talaga ng naghuhumindik na lakas ng loob. yung tipong pang superhero para matapos ko ang laban.

pero bumabagabag pa rin saken hanggang ngayon yung sa tita ko. nahihiya kasi ako makipag-usap sa kanya. natural na na-disappoint ko siya. pero kasi she expected great things from a goner. kaya ko naman kasi talaga. gago lang ako..

1 comment:

Guest said...

waaaaaaaaa