Followers

May 29, 2009

kwento. kwatro!

ilang araw pa lang..pero marami-rami na rin palang nangyari.

ang inaasahang kong bagong liwanag, nasa kamay ko na. di na ko pwedeng magkamali. di na pwedeng sumablay. alam ko namang magagawa ko to. alam kong kaya ko..(nagiging redundant na)

ok na. ok nang lahat. kailangan ko ng praktisin yung sarili ko sa dog chain na ikinabit sa akin. kailangan kong maging tame. kailangan akong bantayan dahil isang tumpik lang, pwedeng mawala lahat ng liwanag na hawak ko ngayon. humihingi nga ako ng tulong kay Bro eh, sana gabayan nya ko dito. sana ibigay nya sakin yung sipag at tiyaga. yun lang naman ang kailangan ko.

masaya ako. overwhelming happiness. kasi alam ko, may pag-asa pa ako para matupad ang mga pangarap ko. may pag-asa pa kong baguhin ang mga nakaugalian at iwasto ang lahat ng pagkakamali. ika ko nga, this is my last (very) tricky shot to find my way back to the old Carlo I used to be.

kailangan kong ibalik ang dating ako. yung ako talaga. hindi yung tuwing tinitignan ko ang sarili ko, ibang tao ang nakikita ko.

kapag tumitingin ako sa salamin, repleksyon ko lang ang nakikita ko, pero alam ko, ibang tao na ang nakikita ko. hindi ko na makita yung dating ako, na pilit kong hinahanap. di ko na alam kung saan napunta.

ang gulo nga ng utak ko ngayon eh. nape-pressure na naman ako ng walang dahilan. halo-halong emosyon na hindi ko alam kung bakit. may inis, galit, pagkasabik, kaba, lungkot at pighati, at kaligayahan. pero tinanggap ko na na ganito ang utak ko. ganito rin naman kasi ang makikita mo sa bahay namin, magulo.

ang dami-dami ko pang dapat sabihin pero di nag-uunahan lahat ng mga ideya ko sa utak.
ciao.

No comments: