Followers

April 19, 2009

kwento..

mahirap pala mabuhay.
eh bat ganon? sabi ni Bro masarap daw?
san banda?

wala. naisip ko lang na sa lahat ng napag-daanan ko, di pa rin pumasok sa isip ko na masarap mabuhay. alam mo yun? lahat ng hardships, sacrifices, all those things that made my life astray. di ko inisip that its a stepping stone for a happy tomorrow.

elementary. wala nga kong masyadong matandaan about my childhood days, makakalimutin kasi ako. atsaka, there's nothing special or whatsoever in my childhood. pwera na lang siguro nung i got circumcised. hahaha! as in! maligayang maligaya ako nung natuli na ko, kasi hindi na ko aasarin ng pinsan ko na "supot barangay tunasan" hahahaha! ang yabang nya nga nun eh. pero isang beses na nagkita kaming muli, ayun, wala na syang mga maligayang sandali, dahil parehas na kaming tuli. hahahaha!

high school. ang totoo, sabi ko sa sarili ko: sana hindi na matapos ang high school life ko. ito kasi para sa akin ang pinaka-masaya. memorable din. dito kasi karamihan ang first sa buhay ko. i will never really grew tired of reminiscing the days. kung pwede nga lang sana, high school habang buhay. noon kasi, wala kang iintindihin, papasok ka lang, mag-aaral, gala-gala kasama mga kaibigan mo, trip-trip.lahat-lahat. nakakainis lang kung bakit kailangang magpaalamanan. i mean, oo nagkikita pa naman ng madalas pero di na katulad ng dati na we're locked up inside the campus from 7:30 til 5:00. i missed the days. really. kahit pa most of the time, nakakaasar yung mga memories, andon pa rin yung emptiness na nararamdaman mo tuwing naaalala mo sila.

dito rin ako natutong umibig (peksman!) and i loved like i never loved someone before. ginawa ko syang inspirasyon. ginawa ko syang sentro ng mundo ko. but she doesnt want to be in my world. ayos lang yun. anong magagawa diba? hahaha! anyways, when i left the school, sinabi ko rin na iiwan ko na lahat ng pwede kong iwanan. pero the feeling remained and left behind.

college. dito na ata nagsimulang maging magulo ang buhay ko. i tried it all. name it! from weeds to pills, pero needles ata ang hindi pa. i just want to explore the world more further. gusto kong sakin na mismo manggaling ang mga pwede kong isulat, hindi yung halos ire-write ko mga compo ng idols ko dati which is wrong. very wrong indeed. inisip ko nun na wala namang mali sa ginagawa ko. im enjoying my life to the foolest. to the fullest pala. hanggang dito na rin siguro muna sa college. di ko pa sya tapos eh. pero ang sigurado ko. huhusayan ko ngayon. meron na kong goal. ang makaalis sa impyerno naming pamamahay! hahahaha! isasama ko si apol (kapatid ko) if i can manage.


yebe yeba..ow yeh!

No comments: