Followers

May 26, 2008

wala na ngang talaga. the must read finale. episode 2

ayoko rin namang ipagwalang bahala ang lahat. Di rin biro ang ilang taon kong paghihihntay.

Minsan, naiisip ko rin namang sumuko, pero sa likod ng isip ko: "kaya ko na ba? O baka naman eto na naman ako sa mga ganito ko na kung ano-ano na naman ang sasabihin, hanggang salita lang pala."

Tama na siguro yung maghintay ako sa wala. Tamang parusa na yon. Ayoko na syang guluhin. Alam kong tapos na ang lahat. Kung ano pa man ang mangyari, wala na kong babalikan. Pero tuwing ihahakbang ko palayo ang mga paa ko, awtomatiko ang dalawang hakbang pabalik.

Oras na siguro para patahimikin ko na ang mga buhay namin. Ako na ang gagawa ng hakbang. Ako na ang kikilos. Di pwedeng ganito ko't naghihintay, wala naman syang balak dumating.

Pero anong hakbang nga ba ang gagawin ko? Pano ko mako-kontrol ang sarili na itigil na ang emosyon na nararamdaman ko, matagal na panahon na? KAya ko nga ba? Oo. Kaya ko. Paunti-unti.

At ang sinabi kong paunti-unti. Powtek. Paunti-unti nga naman akong napapalapit na naman sa kanya. Bwisit na buhay. Kung kelan ba naman na nakapag-desisyon na akong pakawalan sya, bumabalik na naman ang lahat sa nakaraan. Mga oras na lagi kaming magkasama, mga oras ng kwentuhan. Ang sarap sanang balikan. Pero nakabuo na naman ako ng isang kaisipan.



Ang magtanong na naman sa kanya.

Masyado na kasi akong palagay na magtatagumpay ako sa pagkakataong ito. Akala ko, kapag bumalik sa dati. Ayos na, may tsansa na ulit. Yun pala, gumagawa rin sya ng hakbang para...





itututloy!

No comments: