Followers

July 3, 2008

wala na ngang talaga. the must read finale. last full show.

yun pala, gumagawa rin sya ng paraan para lumayo sa akin.

Naiintindihan ko na. Wag ipilit ang hindi pwede. Pero bat ganon? Meron din namang kasabihan na "good things come to those who wait". Kaso, naghihintay na ako ng kung ilang taon. Dadating kaya ang good thing na matagal ko ng hinihintay?

Bibitaw na ko. Magbubukas ang bagong sapalaran at kailangan meron kang iwan. Gusto ko sana syang isama pero hindi pwede. Kumakanta sa utak ko ang mga katagang "enough is enough!"

Magbabago ako at magpapakalayo-layo. Iiwan ang nakasanayang buhay, magsisimula ng panibagong kabanata. Hindi sa pinipilit ko syang kalimutan, pero alam ko sa sarili kong walang akong mapapala kung hindi ko sususbukang ilingon ang mga mata sa ibang tao at abalahin ang sarili sa mas kapakipakinabang na bagay. Kailangan kong maging produktibong tao ng sa gayon, paglipas ng kung ilang taon, haharap akong muli sa kanya ng taas noo at may paninindigan.

Sapilitan ang paghakbang papalayo habang unti-unting bumubuhos ang ulan. Tumingala ako sa langit at nakita ang munting sinag na sumisimbolo sa maliit na pag-asa na sana.. sana..



Ayokong magsinungaling kaya aamin ako na hanggang ngayon, kung papapiliin ako at mare-reincarnate, pipiliin at pipiliin ko pa rin ang kinalalagyan ko ngayon dahil nabuo ang pagkatao ko sa insidenteng ito.
Isasara ko ang chapter na ito dahil alam ko, sa mga susunod na panahon, magbubukas ako ng mas masaya, mas hitik sa kabaliwan, at mas nakaka-adik na kwentong user.



"often, i chose to pretend im happy so i dont have to explain myself to people who would never even understand."

-umuulan.

No comments: