Followers

April 2, 2008

wala na ngang talaga. the must read finale. episode 1

dumating din sa parteng...

naging suicidal ako at di ko na alam ang gagawin ko. Lulong ako sa ipinagbabawal na pag-ibig. Ang hirap umiwas. Lahat na ng paraan ng pagtakas, nagawa ko na yata. Pero matindi pa rin talaga ang pana ni kupido. Di sya tumigil hanggang di nadudurog ang dibdib ko.

Masokista pala si kupido. Di ko alam na ang sugo ni Hesus para magsaboy ng pag-ibig ay mistulang gym instructor na piit bini-bend ang mga kasu-kasuan na nangapal dahil sa taba.

Delubyo ang mga sumunod na buwan. Mga emosyon na piit itinatago. Inilalabas pala ng kupidong masokista.

Bwakanang ina talaga. Magkatabing classroom. Parang tinutunaw ang buo kong pagkatao. May mga instance na gusto ko sanang lumapit, pero nauunahan ako ng sangkaterbang butil ng pawis na nagmimistulang putik na makikita sa mukha ko. Ang panyo na dating puti, dark brown na pagkatapos kong ipahid sa ibat-ibang parte ng katawan ko. Mga paang naninigas at di alam kung saan dapat pumunta, mga nanunuyong lalamunan, ang di pahuhuli: ang pagkalakas-lakas na kabog ng dibdib.

Di ko rin alam kung paanong naging normal ang huling taon ko sa highschool dahil sa samut-saring mga bagay na gumugulo sa akin.

Ayoko rin namang....


itutuloy!

No comments: