Followers

March 19, 2008

wala na ngang talaga. part v

...hanggang sa umabot na nga ako ng fourth year...

Pero ikukwento ko muna ang bakasyon!

Bakasyon: karimlan. Sa di ko maintindihang dahilan, eh gusto kong pumasok. Ayokong mag-aral, pero gusto ko talagang pumasok. Di dahil sa tinatamad akong tumambay at dahil sa mainit, pero dahil sa meron akong gustong makita.

Nagulat din ako: Ang kaibigan ko na nanliligaw dati dun sa babae, (naku patay) eh naging bestfriend ko pa. Noon ko lang naramdaman ang magkaroon ng bestfriend. Astig pala! Astig kasi parang magkapatid yung turingan nyo, yung tipo bang ok lang kahit doon ka na tumira sa kanila. Pero sa kabila noon, meron pa ring humaharang sa pilit kong pinapagandang buhay.

Mahal pa pala nya yung mahal ko.

Nagulat ako. Di ko inaasahan na dadating ang panahon na mapag-uusapan namin yon. Akala ko, pwede ko ng ibaon sa limot. Akala ko, pwedeng iba na lang ang pag-usapan. Pero akala lang pala ang lahat ng yon. Nagkaroon kami ng deal. Kung sino ang mauna, kanya na.

Pumayag ako. Dahil alam kong matatalo ako. At mapupunta sa akin ang simpatya ng mga tao. Nagkamali ako. Oo, napunta nga sa akin ang simpatya ng mga tao, pero para namang sinaksakan ng isang libong sibat ang dibdib ko. Ang hirap sa ganoong sitwasyon. Akala ko rin kasi, kapag naka-tuntong na ako ng fourth year, mawawala na tong nararamdaman ko. At napag-alaman kong di pala pwedeng mabuhay ka sa akala.

Nahihirapan ako. Ewan ko ba. Umiikot ang buhay fourth year ko sa ganito.


dumating din sa parteng....

No comments: