Followers

March 6, 2008

wala na ngang talaga..

nakilala ko sya, 2nd year ako, first year sya. Hindi ko inaasahan ang pagkakakilala namin dahil noon, wala naman talaga akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Buhay ko to, akong bahala dito. Pero nakilala ko sya. Naging magkaibigan kami. Walang bago, nadagdagan lang ang mga kailangan kong batiin sa araw-araw.

Makalipas siguro ang ilan pang mga linggo, may umalaw-ngaw na balita. Nanliligaw raw ang kaklase ko sa kanya. Eh ano naman? Anong gagawin ko ron? Hanggang kinausap ako ng kaklase ko na ilakad sa kanya. Walang problema, kung sa pagsisinungaling lang at pagpapalakas ng tao, ok sa akin. Saka para makatulong rin sa kapwa.

Eh di nilakad ko nga. Lumipas ang ilang araw, na naging linggo, hanggang naging buwan. "nako, patay..." sabi ko sa sarili ko. Ang simpleng pagsama-sama ko pala sa kanya ay nagbunga ng ibang bagay. Ayokong sabihin. Ano na lang ang iisipin ng mga tao pag nagkataon? Na wala akong kwentang kaibigan? Na wala akong kwentang tao? Na sa pagkadali-daling bagay na ipinapagawa sa akin, eh iba pa rin ang ginawa ko? Hindi ko ugaling gumawa ng ganoon. Di dahil noon lang yon nangyari sa akin, kundi dahil iniisip ko rin na masama yon. Pero di ko napigilan. Tao ako na pwede na lamang mahulog bast-basta. Wala akong kontrol. Inaamin ko, nagkamali ako.

Naguguluhan ako. Sino ang unang makakaalam? Ang kaibigan? O ang nkaibigang natutunang...oo, yun nga. Sasabog na ang loob ko pero pinilit kong itago hanggang maka-abot ng third year.

Third year na ako. Second year na sya. At nagkahiwalay na kami ng landas ng kaibigan ko. Sa kabilang section sya. Di ko pa rin alam ang dapat gawin. Tumagal pa ang ganoong sitwasyon hanggang isang makulimlim na hapon, di ko na rin napigilan ang sarili ko. .

Nagpapawis na mukha, nangangatog na tuhod at nanunuyong lalamunan ang tumambad sa kanya. Normal sa amin ang magkasama palagi pero bakit iba ang araw na yon? May kakaiba raw sa galaw ko na malayong-malayo raw sa pagkatao ko. Sinabi kong magtatapat na ako sa taong pinaka..oo ko, oo, yun na nga.
Sinabi nyang dalian ko raw at baka may mauna pa sa akin at....


itutuloy!

No comments: