Followers

March 6, 2008

diamond hotel. isang katuparan. at isang kick-back

"manigarilyo naman tayo," ang pag-aaya ko sa kasama ko habang nagse-seminar ang isang mamang naka-amerikana, pumipilantik ang daliri.


"tara," ang sabi ng kasama ko sabay dukot sa yosing nakatago sa aking coat. Formal attire, dapat daw kagalang-galang. Pero naisip kong... "bakit kailangan pang magpaka-plastik tayo? Eh magiging waiter din tayo pagdating ng panahon," sabay tingin sa waiter na nagsisilbi sa amin, naglalagay ng tubig sa goblet.


Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nag-ayos para magmukha pa ring kagalang-galang kahit na pilit itinatago ang katotohanan na may tsansang doon rin kami magtrabaho balang araw.Lumabas kami. Nakita ko ang mga bell boy at mga chamber maid na nagsisilbi at naka-ngiti sa lahat ng guest na nakakasalubong nila.


Tahimik akong nagmasid hanggang malaman ko na lang na palabas na pala kami ng nasabing hotel."huy, jangas sa loob no?" sabi ko sa kasama ko sabay bunot sa yosing nakatago sa coat. "kaso, nakaka-asiwa. Magpo-pormal pa kasi eh. Mukha tayong tuleg dito. Lalo ako, mukha akong call boy, nag-aabang ng customer."


"alam mo ba? Na sa pilipinas, five star hotel na ang turing nila sa hotel na `to. Pero sa ibang bansa, sakto o mas mababa pa sa three star lang ang turing nila dito. Walang-wala talaga tayo kumpara sa mga hotels na nasa middle-east ngayon. Sobrang discriminarion pa nga eh, karamihan ata sa mga trabahador nila, pinoy. Tapos ganoon na lang ang tingin nila sa mga hotels natin."


Inisip kong napaka-baba naman ng tingin ng ibang bansa sa atin. Sa bawat hupak ko ng sigarilyo, nandoon ang pakiramdam na nanliliit ako para sa mga kababayan natin sa ibang bansa. At pati na rin sa bansa natin.


Naubos ang sigarilyo. Kailangan ng bumalik sa loob. Accomodating pa rin ang mga tenants na parang -nag-aanyaya na doon na lang tumira. Masaya sa pakiramdam na makita silang nakangiti, senyales yata na kahit anong hirap ang pinagdadaanan nila, nakukuha pa rin nilang ngumiti, alang-alang sa trabahao nila na pinagkukunan nila ng kabuhayan.


Matapos ang nakakabagot na seminar at masasrap na pananghalian at kape, simula na ng tour. Impressive ang facilities, (tulad ng sinabi ko kanina) accomodating ang staff and crew. Malinis ang hotel. Wala ka na yatang makikitang pintas dito. Ang naiisip ko lang na kahinaan natin pagdating dito ay ang teknolohiya. Kulang tayo sa mga haytek na gamit, na simpleng-simple naman kumpara sa ibang bansa.


Natapos ang tour. Pagod na ko. Marami akong natutunan. Hindi lang para sa kursong nakuha kundi para rin sa sarili ko na pwede ring ibahagi sa iba. Hindi ko sinasabing umuwi ako ng walang dala, pero umuwi ako ng merong mabigat na utak na punong-puno ng masayang karanasan at leksyon.

No comments: