Followers

March 9, 2008

wala na ngang talaga. part ii

...ang tuyo kong lalamunan ay unti-unting nabasa, dahil sa laway na nilunok ko.

Unti-unting bumuka ang labi ko pero pilit kong hinahanap ang boses na magiging sandata ko sa pagtatapat. Kinakabahan ako ng sobra. Di ko alam kung bakit. Naghahamon ang isang maliit na boses sa isip ko kung tama bang sabihin ko sa kanya.

Sa pagkakabalita ko. Tumigil na raw manligaw ang kaibigan ko. Sa di malamang kadahilanan. Ayokong magtanong. Baka kasi di ko kayanin ang sagot na di ko dapat asahan. Di na ko nag-focus doon at dahan-dahan akong nagsalita...

"blank,"(pangalan ng babae) "a-ano, pw-pwe-pwede b-b-bang m-m-ma-man-manli-g-gaw s-s-sa-y-yo??" Mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kesa sa bibig ko.

Tahimik sya. Nabigla? Di ko sigurado. Nainis? Di ko rin sigurado. Ang tanging malinaw lang sa utak ko ay ang posibilidad na isang daang porsyento na pwede akong makadama ng rejection. Ewan ko rin. Kulang yata ako ng tiwala sa sarili ko.

Matagal syang di nagsasalita. Pero bigla nyang binasag ang katahimikan ng bigla syang magtanong ng, "sigurado ka ba?" di ko alam ang isasagot ko kaya sumimple na lang ako ng isang mahinang sipol sabay kabig kung ano talaga ang nararamdaman ko.

Tumahimik ulit sya. Ilang beses kong nahuli na ibubuka nya ang bibig nya para magsalita, pero itinitikom nya ulit ang bibig nya. Nag-iisip yata.

Eto na, nagsalita na talaga. Sinabi nyang bumaba raw ako dahil gagawa raw sya ng sulat. Di nya raw kayang sabihin nga harapan. Um-oo ako na parang aso at dali-daling bumaba. Kailangan ko ng hangin, tubig, at lahat ng elemento na alam ko.

Umupo ako sa pwesto na makikita ko sya agad. Naghihintay ako. Gusto ko ng umakyat at pakialaman ang sinusulat nya pero ayoko. Natatakot akong ipagtabuyan nya at... at... di ko na alam ang pwedeng idugtong. Basta natatakot ako.

Nakita ko sya, sumesenyas na sa akin. Nagmadali akong umakyat, at hingal na hingal na lumapit sa kanya...

sinabi nyang...




itutuloy!

No comments: