Followers

March 13, 2008

wala na ngang talaga. part iv

...nakikisimpatya ang kalangitan. Umuulan.

Makailang beses ko ring itinanong sa sarili ko kung ano nga ba ang ginawa kong mali. Libre sya, libre ako, anong masama? Pero mabilis ring dumapo ang sagot sa utak ko: bakit mo ipagpipilitan ang sarili ko sa ayaw sayo? Tama?

Kulang na lang ay mangisay ako sa lamig. Di ko alam kung bakit awtomatikong naglakad ang mga paa ko papunta sa ulanan. Wala ng pakialam kung may bitbit man o mababasa ang kasuotan. Iisa ang nasa isip: pagkabigo.

Inalala nya ang sulat. May mga salita doon na hindi nya masikmura, hindi nya matanggap na totoong galing iyon sa taong pinagkalooban nya ng susi sa pagbubukas ng kanyang puso. Pero tumanggi syang kunin ang susi. Ang kamay nya ay nakalaan na sa susi ng iba. Ok lang sana kung pinag-isipan nyang mabuti. Pero di pa tumagal ang ilang saglit, alam nya na ang isasagot nya.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. Makulimlim. Tulad ng buhay ko, magiging makulimlim din kapag di sya ang nakasama ko sa paglalakbay papuntang habang buhay.

Lubog na lubog ako ng mga sandaling iyon. Kulang na lamang ay maglupasay ako sa tapat ng tindahan kung saan ako nakatayo at nagpapabasa sa ulan. Pero hindi ko ginawa, naka-puti ako, baka murahin ako ng nanay ko kung bakit magkakulay na kami ng uniporme ko.

Nag-umpisa na kong ihakbang ang mga paa ko. Pero walang eksaktong patututnguhan. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang patuloy ng pagluha ko. Sa puntong iyon, inisip ko ng walang saysay ang buhay ko. Na paano ko sisimulan ang bawat bukas kung hindi sya ang makakasama ko.

Bata pa ako. Alam ko iyon, pero sa pananaw ko ay normal sa aming mga kabataan ang makadama at makapag-isip ng ganitong mga bagay. Pero sa kabilang banda ay napansin kong sumusobra yata ang pag-iisip ko ng ganon.

Naglalakad ako pauwi. Tulala, basa, at wala sa sarili. Muntik pa akong masagasaan habang patawid na. Sumigaw ang tsuper kung gusto ko na raw mamatay. Sasagot sana ako ng "oo" pero kumaripas na sya ng takbo, habang umaalingawngaw ang malulutong na mura galing sa kanyang bibig.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, pero di pa rin ako makaahon sa putik na kinasadlakan ko. Sa kanya, tuloy-tuloy lang ang buhay, pero ako, limang beses nang suicidal.

Hanggang sa umabot ako ng fourth year...



itutuloy!

No comments: