Followers

March 12, 2008

wala na ngang talaga. part iii

...sinabi nyang. "eto na yung sulat. di ko talaga kayang sabihin ng harapan."

Nun pa lang, alam ko na ang sagot. Sa mga kilos pa nga lang nya, nababasa ko na ang gusto nyang sabihin. Pero pinili kong magpakatanga, isang kahangalan na sana di ko na lang ginawa.

Nagpaalam na sya. Uuwi na raw. Timing dahil sinundo na sya ng mga kaibigan nya. Ni hindi na nya nagawang lumingon sa akin. Alam kong may naramdaman syang guilt sa isinulat nya. Pero natiis nya yon? Bakit? Di ba magkaibigan kami? Naisip ko: pagkakaibigang sinira ko.

Pinagmasdan ko sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Halo-halong emosyon ang pumapalibot sa katawan ko. Nangingibabaw ang panlulumo? Na sana, di ko na lang sinabi at para may asahan pa kong kaibigan bukas.

Unti-unti kong binuklat ang sulat na madaliang ginawa. Sa bawat tuping natatanggal ko, palakas ng palakas ang tibok ng dibdib ko. "anong meron sayo at kinabahan ako ng ganito?'' tanong na paulit-ulit umaalingawngaw sa utak ko. Panay rin ang paghahagilap ng sagot.

Hanggang sa nagbukas na nga ng tuluyan ang sulat na iniisip ko kung kaya ko nga bang basahin. Mga letra na di ko matingnan, at mga salitang ayaw rumehistro sa utak ko. Mga pangungusap na tutunaw pala sa kabuuan ko.

Sa wakas, natapos ko ring basahin na pagkatagal-tagal kong binasa, iisa lang pala ang gustong ipahiwatig. Balisa ako. Nangangatog ang tuhod, namumurol ang utak at sumasala-sala ang munting tubig galing sa mga mata ko. Tubig ba yon? Bakit maalat? Bakit sinasabayan ng hikbi at tumutulong uhog? Di ko maintindihan.

Nakikisimpatya sa akin ang kalangitan. Umuulan...


itutuloy!

No comments: