Followers

March 3, 2008

ang tunay na simula.. (may peke?)

Ako si Carlo Rabino. Noon, pangarap kong maging aso, ang dahilan ko: para walang math problems. Ang sakit kasi sa ulong gumawa ng mga ganoon. Naisipan ko na ring maging doctor, engineer, astronaut, nurse, abogado, detective, chef, at kung ano-ano pa. Ewan ko nga bas a sarili ko., niloloko na ko ng sarili kong utak. Tapos naisipan ko na ring maging computer programmer, hacker, multi-media artist, cartoonist, at eto ngayon, writer. Inaabangan ko na nga kung anong susunod kong gusting maging.. . .

Pero ang sireto? Kahit isa doon, wala akong nagawa o nasubukan man lang. Pwera na yung sa pagdo-drawing ko. Kasi regular naman akong nagdo-drawing kapag walang kwenta yung tinuturo ng professor namin. Hindi ko nga rin alam kung bakit nahiligan ko ang pagsusulat. Pero may idea na ko. Dati kasi, madaldal ako, at mahilig mag-isip ng mga bagay na hindi naman kaisip-isip. Pero bigla kong napansin na wala na masyadong nakikinig sa akin, bigla akong natakot. Baka kasi wala na akong kaibigan. Kaya naisipan ko rin magsulat, para hindi masayang ang oras ko para magpapansin sa mga kaibigan ko. Dun nag-umpisa ang idea ko na pagsamahin ang kadaldalan sa papel at ang pagiging pala-isip. Ang kinalabasan? Tsaran! Ang natatagong talento ni Carlo sa pagsusulat! Yeah!

Pero hindi ko agad naisakatuparan ang pagiging writer. Kailingan ko pang takutin ang sarili ko na “baka walang mangyari sa buhay mo kung hindi ka kikilos ngayon.” Minsan ko na rin kasing naisip na gawing linya itong pagsusulat. Pero di pa masyadong tuon ang pansin ko noon, kaya nakapag-ubos pa ako ng kung ilang taon bago magising sa pagkaka-kulong sa katamaran.

Ngayon? Nag-aaral ako ng kursong hindi ko naman gusto. Pero sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagsusulat ko. Nagulat pa nga ako dahil sa lahat ng pinangarap ko, ang pagsusulat o ang pagiging writer ang tumagal!

Gusto mo pa kong makilala? Sure!

Full name: Carlo Alvarez RabinoNickname: caloy, rax, olrax, carlzkie,
Address: (ooopss. . . hindi pwede)
Birthday: February 11, 19__ (haha. . .)
Birthplace: San Pedro Laguna??
Likes: (1) pagkaaaaaiiiiiiiin! ! ! (2) Kris Bernal [remember. . .] (3) I really love to write and to read (owws?) (4) tumambay [da best! Woohoo!!] (5) matulog ng matulog ng matulog ng matulog ng matulog (. . .+3x-49y+8z) at! (6) mag droga.

*wag mong paniwalaan ang huli kong sinabi. =)

Pero sabi nga nila, hindi ko na nga raw kailangan ng droga sa buhay ko. Sobrang ugaling adik raw ako. Yung mga gestures and movements raw ng adik, kuhang-kuha ko na. (di kaya nakagamit na ko??)

Dislikes: wala naman. As long as nasisikmura ko pa, kakayanin ko. Pero yung tipong (ooopss. Waaaaaaaaaaa!!!! Yuuuuuuuuuuuuuuuuuuck!!!!!!!!!!!) na yung mga nakikita ko at pinapagawa sa akin, ayawan na.

(THE FAVORITES . . .)

Favorite food: KWEK-KWEK FOREVER! ! KWEK-KWEK POWER! GO! GO!
Favorite place: (bukod sa mga bahay ng mga kaibigan ko. . .) sa amin!!! Da best place to do unexpexted things like. . .(ikaw na ang mag-isip. . .)
Favorite song: wag kang matakot by the eraserheads. Forever ko na yata tong kakantahin.Favorite t.v. show: bukod sa mga anime at mga porn movies, spongebob ang madalas kong mapanood.
Favorite movies: basta amusing. Ok na sa akin. Pero nahihilig ako ngayon sa Korean movies, saka Hollywood movies na may feel good stories, saka mga light comedy. I’m not into action, masyadong bayolente. Nakakasira ng pananlig sa Diyos.
Favorite book: ?? siguro yung lahat ng sinulat ni Bob Ong, pati na rin yung Harry Potter series (di ko sya mabibitawan kahit anong gawin ko)
Favorite snacks:mahilig talaga ako sa mga sitsirya. Pero isa lang ang niluluhuran ko: piattos na sour cream (hindi ko alam pero kahit anong gawin ko, sour cream talaga trip ko)
Favorite animal: panda!!! Da best ang ka-jangasan neto!!Yun lang muna ang pwede kong i-share. Yun lang ang matandaan ko sa ngayon. Nag-uunahan na naman ang ideas sa utak ko.

No comments: