Followers

October 3, 2010

pera.

madalas akong naka-tunganga. wala lang, masarap lang kasing tumitig sa isang bagay habang nag-iisip ng malalim. yun bang sarado na ang tenga at peripheral vision mo dahil masyado kang concentrated sa iniisip mo? ganon. minsan nga inaasar na `ko ni espren tuwing magkasama kami dahil lagi raw akong wala sa sarili ko. madalas sinasabi ko na gusto ko ng pera. yung maraming maraming pera. yung tipong pag-akyat ko sa kwarto, makikita ko yung kobre kama ko, gawa na sa pera tapos yung laman ng unan ko, puro pera din. wala, nakaka-enjoy siguro kung ganun kami kayaman. minsan nga, ikinakasangkapan ko na si espren out of boredom eh. parang ganito:


me: espren, may sasabihin ako sa'yo.


espren: ano yun?


me: mayaman talaga kami.


espren: ulol. lokohin mo tatay mong pinutulan ng t*ti. kaya pala nag-aya kang maglakad  kanina, wala ka kasing pamasahe.


me: gago. iniingatan ko lang yung mga ari-arian namin.


espren: asan naman yun doon? tanga!


me: nakita mo yung mga jeep na dumadaan?


espren: oh? anong meron dun?


me: pera namin yun. gawa sa pera yung jeep na yun. mga tinunaw naming pera.


espren: tanginamo. dami mong alam. bat di ka mag japan?


me: speaking of japan. alam mo ba na hindi talaga bansa ang japan? kumpol-kumpol naming pera yun. mga barya naming ipinatapon sa dagat tapos naipon ng naipon. ayun, naging bansa na siya. kaya naman "yen" ang tawag nila sa pera nila, kasi ang totoong ibig sabihin nun, "yen - yan or yaan meaning, yaan ang pera nila caloy. sila ang may-ari ng japan."


espren: ulol. tanginamo! tarantado! ulol gago pakyu! sira ulo!


me: seryoso. alam mo, dati, akala ko yumaman kayo dahil magaling talaga mag-manage ng business ang ermat mo eh. pero nahuli ko siya one time na pumunta sa bahay namin, may dala pang vacuum. yun pala, palihim siyang nagnanakaw ng mga pera naming pakalat-kalat. natawa nga ako sa suot ng ermat mo eh. parang pang ninja. hahaha!


espren; tignan mo tong putang to, nandamay pa. gago! ano bang problema mo?


me: problema ko kung paano ko uubusin ang pera namin. alam mo, eto pa, sa sobrang yaman namin, yung mga katulong namin, may personal yaya silang lahat. at yung mga personal nilang yaya, may mga personal yaya din. wala pa diyan yung may personal driver yung mismong driver namin.


espren: wow. nakakatuwa ka naman ngayon. purong katarantaduhan ang nasa utak mong putangina ka. ang galing! pakyu!


me: alam mo, tuwing gabi, naiiyak na lang ako kasi sobrang yaman talaga namin. nakaka-receive na kami ng mga death threats galing sa mga bangko kasi hindi na daw nila alam kung saan ilalagay ang mga pera namin. isinasauli na nga sa amin eh kaya ang ginawa namin, nagtayo kami ng grocery.


espren: oh? bakit grocery pa? bakit di na lang mall?


me: i'm getting there. grocery lang kasi ayaw ni mama ng masyadong magarbo. okay na raw yun. alam mo, minsan nga nakasalubong ko pa erpat mo kasama ermat mo. nagulat nga ako kasi hindi pushcart ang mga dala nila kundi malalaking bag. kala ko ho-holdapin nila yung bangko. saka ko naalala, pera nga pala ang laman ng grocery namin. as in walang ibang laman yun kundi pera kaya ok lang pala.


espren: oh sige, papatulan ko yang mga kaululan mong putangina ka. oh ano pa? oh sige, itong t-shirt na suot ko? gawa rin ba sa pera niyo?


me: ay actually, oo. yung pera kasi namin, shini-shredder namin. tapos hahabihin ng pinong-pino hanggang maging tela tapos tatahiin at magiging t-shirt. wag kang mag-alala, di ko naman babawiin yan sa'yo kasi first of all, mga sinira naming pera yan eh, kaya hindi ko na kailangan. atsaka masaya ako sa mga sinusuot ko.


espren: oh sige, ayoko na. tapos ka na ba? sumasakit ulo ko sa'yo eh. uwi na ko tanginamo.


me: hahaha! alam mo ba yung bahay niyo..


espren: ano? gawa na naman sa pera niyo? tanginamo! tumigil ka na!


me: ay hindi, yang bahay niyo, gawa talaga yan sa simento. pero yung subdivision, sa amin yun. in fact, yung mga puno-puno dun? hindi talaga puno yun. pera namin yun! alam mo ba na pinag-aralan sa mga laboratory namin sa africa and russia kung panong imo-morph yung pera into trees. medyo tricky kasi yung una nilang try, barya ang nagiging bunga pero eventually, naisaayos naman nila yun. ang galing no?


espren: uuwi na talaga ako. putangina ka.


me: sige, sama ako ah? pautang pamasahe. wala na ko pera eh. tsaka pakain na rin sa inyo. :p


espren; tanginamo! bahala ka sa buhay mo! maglakad ka pauwi! tangina ka, dami mong pera diba? hahaha!




and we lived happily ever after. :D

23 comments:

Shenanigans said...

wahahaha.. ang kyut! very creative

Emmaleigh said...

LOL! sucha friend :p

Artiemous said...

ang daming pera ah... natawa ko sa "dami mong alam, bakit di ka mag japan?" :D

Rico De Buco said...

hahaha laugh trip lang eh aus to..marami pa nitp caloy!musta alabang?

glentot said...

Mabuti naman at natapos na yung phase mo ng love-love posts at sobrang natawa ko dito sa post na to as in nakangiti me. Ganyan ipost mo lagi, about pera. Ahahahaha.

Carlo Patigdas said...

pwede rin ibabad sa mainit na tubig yung pera tapos higup higupin na parang tea.. sosyal =D

casado said...

puro ka porma e sa ending makikikain ka lng pala hahahaa...

hayyst..sarap nga ng madaming pera no? walang ng work work pa :P

jc said...

kulit ng post na 'to! haha!

VICTOR said...

Ayan, at bagong phase na yata ng blog mo. :)

Xprosaic said...

Takte! Damang dama ko ang sincerity! lol... ayos! naligo ka na ata eh.... sa mura ng espren mo... ahahahahhahaha... da best kayo... angsweet! lol

Maldito said...

hanggang sa kwento lang pala ang ang mramimg pera...and ending makikain lang..ahaahhaa

The Gasoline Dude™ said...

Natawa ako. Nakita ko blog post mo sa blog ni Glentot.

khantotantra said...

dahil sa link ni glentot, nabasa ko ang super gandang leksyon tungkol sa pera. :D

Mac Callister said...

hey!this is actually a brilliant post!

dude you made me smile and eventually laughing kahit unti unti ko palang tinatapos ang entry na to!

nakakatawa ang taenang post na to!

LOL!

Poldo said...

Panalo amf!!!
Napaka-wide ng imagination... abot hanggang japan!!

referral ni glentot! ayos!!

Madz said...

wahahahaha nakakaaliw sobra...

Drei said...

bwhahahah! funny sobra! :)

LASHER said...

Haha! Ang kulet! I enjoyed reading it...

Vajarl said...

Nakakatadtad ng mura palang kausap si espren. Anyways, madalas ako mag daydream na milyonaryo ako. Tas mauubos oras ko kakaisip ng mga bibilin ko, mga gagawin, tas magreresign daw ako sa work dahil sandamakmak na pera ko. Tas bibili ako ng maraming alipin. Hohoho.

Ayos. Nakakatuwa naman tong post mo na to. :)

Hello hello. Napadalaw lang. :)

Diamond R said...

nalala ko tuloy ang pera sa iran.madaming papel.kung pupunta ka supermarket para mag grocerry nakasupot ang pera mo sa dami.
nose bleed and espren mo sa consomisyon.

Traveliztera said...

glentot brought me here hahahaha!
OKAY tawa na ako nang tawa rito hahaha!:P

Klet Makulet said...

hahah ang kulit! tama si kuya glentot (feeling close) galing!

ITSYABOYKORKI said...

laughtrip nice one .... kulit :))