Followers

August 11, 2010

saktong isip.

kahapon, ginawa ko na naman ang pinaka-paborito kong kasalanan. nagjakol ako sa gitna ng EDSA hindi na naman ako pumasok dahil gusto ko lang. ewan ko nga rin kung bakit tinotopak na naman ako. naaawa nga ako sa nanay ko kasi damang-dama niya raw na nag-aaral akong mabuti. pero minsan ko lang naman gawin yun, kapag nakikita ko lang na hindi ko nagagamit yung absence ko, kinakati akong gamitin.


maaga akong umalis ng bahay. saktong maaga na taymingan kong magbukas ang mall. wala lang. gusto ko kasing bumili ng g-tech, yung bolpen na tig-70php ang presyo. shala kasi ng hands ko. di ako pwede sa panda at lotus, ginagalis ang kamay ko. lalo na siguro kung HBW ang gamit ko, siguro magkaka-gonorrhea ang palad ko.


ang totoo niyan, gusto kong mapag-isa. wala lang. saktong emo na naman siguro. gusto ko kasi ng inspirasyon. gusto kong magsulat. gusto kong tapusin yung project ko na ilang ara nang naka-tengga sa notebook ko. gusto kong mag-bar. gusto kong uminom at magpakalasing. gusto kong kumantot ng walang puknat magmahal muli. gusto ko ng itigil ang kalandian ko. gusto ko ng ayusin ang pag-aaral ko. gusto ko na rin palang itigil ang paga-adik ko sa one more chance. hindi ko na kasi makita yung sense na araw-araw ko siyang pinapanood. hindi naman ako yumayaman.


sarado pa rin yung mall pagdating ko. nakakaasar. halatang-halatang magka-cutting ako. pero bago ako pumunta ng mall, iniisip kong pumunta sa lugar na medyo malayo. yung tahimik. yung ako mag-isa. yung makakapag-isip ako ng maayos. eh kaso, fail. duda ako kung makakahanap ako ng ganoong lugar sa panahong `to. meron sana (establisimyentong pula`t dilaw) kaso ayoko namang magbayad ng hotel room para makapag-isip ako. hindi naman tumatae sumusweldo ng malaki ang nanay ko para tugunan ang lahat ng luho ko. alam ko, kailangan ko lang maging resourceful. may tiwala ako sa sarili ko. makakahanap ako. :)


9:30 pa lang, pero kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko. ganito nga kaya talaga ako? yung hobby kong mag-isip ng mag-isip. ganown! mag-iisip lang ako. pagkatapos ko mag-isip, mag-iisip ulit ako. tapos makakaramdam ako ng gutom, kakain ako. tapos mag-iisip ako habang kumakain. iisipin ko kinakantot ko si Enchong Dee kung ano ba talaga ang pangarap ko sa buhay. matatapos akong kumain. mag-iisip na naman ako. paulit-ulit. nakakasawa.

10 comments:

Nimmy said...

hahaha! nakakatuwa ka talaga.

isang matangkad na emo emo. pak!

maganda mag-isip basta ba tinitignan mo kung san ka papunta. :)

parteeboi said...

hahaha. nakakapagod noh. kahit ayaw mo na magisip, dami mo pa din naiisip. haay.

:)

lars (not my real name) said...

why the hell do you wanna bang enchong dee? LMAO.

demonyito said...

lakas ng trip mo ahaha! at baket nmn emo kpa rin til now?? tigang ka pa rin ba? haha :P

Aris said...

friend, artist/writer ka kasi kaya mahilig kang mag-emo at mag-isip. isulat mo lang nang isulat ang mga naiisip mo. one day, magugulat ka, may nobela ka na. trilogy pa. pak! (nimmy, pahiram).

be happy. ingat always. :)

KESO said...

madalas ko din gawin yan, mag isip ng mag isip. LOL. di pala ako nagiisa. haha!

glentot said...

Next time damihan ang mga strikethroughs! Kulang pa ahahahahaha

pusang kalye said...

masyado kang cerebral. tama na yan. soon you will be telling yourself ""Im sick and tired of being sick and tired""

shenanigans said...

nakakatuwa naman yung blog mo.. haha!

malikot pala ang utak mo at maingay.

ʎonqʎʇıɔ said...

Tama si Aris. Kung hindi ka manunulat, edi hindi ka mag-iisip. I-welcome mo lang yun.

At hinay-hinay sa strikethrough! naloka ako kay enchong. haha