Followers

April 7, 2010

bigla ko lang naisip.

i hate formspring. wala. bigla ko lang naisip. kasi naman bigla bigla na lang siyang nagiging blog post. wala. nakakainis yung ganun. kumbaga sa giyera, sinasaksak ka na pala ng kitchen knife ng hindi mo alam. nakakainis! nakakainis talaga! ayoko na ng formspring.

uso na naman pala ang knock knock jokes. wala. bigla ko lang naisip. habang tina-type ko kasi to, bigla na lang akong may narinig na nagna-knock knock joke sa labas. sa lahat ng mga narinig ko, usong-uso daw ngayon yung ginabing kokey. hindi ko alam kung sino ang may pakana ng mga letseng knock knock jokes na yan pero powtehk talaga! masisira na ulo ko sa kakatawa! takte! as in there is so many knock knocks to choose from! hahahaha! tangna, baka sabihin niyo, mababaw ang kaligayahan ko. hell no! ginabing kokey..hahahahahaha!

ilang araw na akong may tonsilitis. wala. bigla ko lang naisip. magang-maga nga eh. pero hep! wag kang bastos! (ay shemay..edi naisip mo!) hahahaha! ewan ko nga kung saan galing to. badtrip. inuulam ko na nga yung strepsils, hindi pa rin ako gumagaling. sabagay, hindi ko pa naman nata-try i-saute. naks! saute amp! hahahaha! nagga-gargle din ako ng mainit na tubig na may asin. sabi ng nanay ko mabisa raw yun. mabisa, mabisa. sipain ko yun eh. wala namang nangyayari.

malapit na palang mag-May. wala. bigla ko lang naisip. mapapasakamay ko na rin sa wakas ang matagal ko ng pinapangarap na dslr. :) excited na excited ako. actually, simula nung pumasok ang month na April, araw-araw ko na siyang napapanaginipan. hahahaha! tapos may kamay at paa daw yung dslr tapos sabay kami mag-jogging. :) totoo to. nakakatuwa nga eh, kasi habang tina-type ko to, pinapagalitan na ng tatay niya yung kaninang nagnas-knock knock joke. hahaha! paulit-ulit daw yung ginabing kokey. wala. share ko lang. edi sana na-picture-an ko yun kung nasakin na yung dslr ko. :)

hindi pala para sa akin ang photoshop. wala. bigla ko lang naisip. ilang beses ko ng sinusubukang pag-aralan, pero tangina, wala namang nangyayari. hahahaha! natutuwa nga ako sa mga pics na tina-tag sa akin sa facebook kasi ang galing galing nila. (nang-iinggit lang naman ang mga putangina hahahaha!) atsaka, naisip ko rin na hindi ko pala talaga kailangan ng photoshop..hindi ko sasabihin kung bakit. hahahaha!


wala. bigla ko lang naisip, tinatamad na `ko.


9 comments:

Ronnie said...

Yeah, knock knock jokes are killing me! Kahit korny yung mga jokes nakakatawa pa din. =)))

caloy said...

check! hahahaha! matatawa ka sa kakornihan. :)

glentot said...

Haha ako ang nagpauso ng Ginabing Kokey hahahaha joke. Mas gusto ko yung "Dina Bonnevie-Gary V" at yung "Tagabitbit-Putobumbong"

Kaya pala may formspring post ka kanina na biglang nawala...

Jepoy said...

Alam ko dahilan kung baket ka may tonsilitis...

caloy said...

@glen oo eh. badtrip yun. di ko na gagamitin yun. hahaha!

@jepoy mali ka! hahaha!

KESO said...

hahaha. putragis na ginabing kokey yan! haha. ang masama pa non kung sasabayan pa ng sayaw yung ginabing kokey.lol

engel said...

sorry naman, andito lang ako. di lang nakakapagcomment. i still visit your blog pag may update.

wag ka na tampo.

=)

caloy bakat! said...

@keso..oo nga eh! punyemas na yan! napapanaginipan ko pa nga yan eh. san ka pa!

@engel..sinarado mo na blog mo. hindi pa ba obyus yun na iniwan mo ko? iniwan mo ko!

Rei Mikazuki said...

Hei nekow. Potek na knock knock jokes yan. Nakakainis. Ang corny corny. :P

Pero impernes, nakanang shala ka na ah, may upcomign DLSR na siya... yieee. :)