Followers

March 28, 2010

marami na ring mga pagbabago.

ako, na dating ako, ay napalitan ng bagong siya. hindi ko nga rin alam ang nangyayari sa akin. at ayoko na ring bigyang pansin ang mga bagay na yun.

normal ako sa pananaw ko. pero sa pananaw ng mga mapanghusgang tao, hindi. laging may mali, laging may kulang. at palaging may pader na humaharang sa pagiging normal ko at pagiging normal ko sa paningin ng ibang tao. hindi ko alam kung anong mali, hindi ko alam kung anong kulang. at hindi ko alam kung paano ko titibagin ang pagiging normal ko sa paningin ko at sa paningin ng ibang tao.

sabi nga ng iba, malayo na ang narating ko.malayong-malayo sa kung ano ako ilang taon na rin ang nakakaraan. pero nakakainis isiping kahit anong pilit kong layuan pa ang pwede ko pang marating, patuloy pa rin akong bumabalik sa umpisa, na parang wala akong ginawa.

tulad ng iba, matayog din ang mga pangarap ko. marami akong gustong maabot. pero ang nakakainis sa lahat, bakit wala akong pakpak para abutin ang mga iyon?

3 comments:

glentot said...

Don't be too hard on yourself...

gege said...

korek si glentot dun...
siguro ibahin mo na lang ang iyong mind setting.
wag mo silang intindihin..
mas okei kung positive ang disposisyon natin sa buhay!
MAHIRAP... pero kaya.
gogogo!!!


CREATE YOUR WINGS!

^ - ^

stupidient said...

baka hindi pakpak ang kailangan mo para abutin ang mga yon, hindi ko din alam. basta subok lang. ikaw din lang naman ang makakaalam nun,,

gudlak sa mga susunod mong hakbang,,