Followers

March 11, 2010

kamusta ka? caloy's circus of flirting and relationship.

A: kamusta ka? grabe ka rin eh! ang tindi mo! nag-ikut-ikutan lang tayo sa kasinungalingan. aminin mo yan. sana pala pinutol na lang natin ng maaga no? tsk! sayang.

B2: kamusta ka? hindi man lang tayo tumagal ng isang linggo. tanga ka kasi eh. ang arte mo pa. di bale, makakahanap ka rin ng kapwa mo tanga. :)

C: kamusta ka? pasensiya na, bigla kitang iniwan ng walang pasabi. may dumating kasi eh. indeed, you are a really good catch. kaso, pader ang kalaban mo noon eh, tunay na pagibig ba? ayun.

F: kamusta ka? bitter ka pa din ba? na-explain ko na sayo lahat ng kailangan mong explanation. mahal kita, noon. sayang, it would have been a perfect love, yet i chose the one who made me realize that no love is perfect. i screwed up everything. kaya nga siguro sagad sa buto yang pagka-ampalaya mo.

G: kamusta ka? nakaka-apekto ka na ba ngayon ng eternity? kung oo, that's great! isa ka pa, hanggang ngayon, bitter ka pa din. wala naman akong pinangako sayong kahit ano kaya wala kang karapatang mag-inarte. pakyu.

H: kamusta ka? bastos ka, ang pinalit mo sa akin, mas panget pa sa akin! badtrip. pero alam mo, sinubukan ko talaga. as in. eh wala talaga eh. pasensiya na. tropa pa din naman tayo eh. diba?

I: kamusta ka? aalis ka na ngang talaga? good. ingat ka sa pupuntahan mo.hinintay kita. at pinaghintay mo ko sa wala. di bale, at least, nag-enjoy tayo sa paglalaro natin. see you after three years.ü lakas pa din ng topak mo.

J1: kamusta ka? burara ka pa din ba mag-isip? ayos lang yun. mga bata pa naman tayo noon eh. sana masaya ka ngayon, kahit panget din ang pinalit mo sa akin.

J2: kamusta ka? alam mo, sobrang pakipot ka. badtrip. seryoso. halos araw-araw tayong nagkikita, sa text, ang tapang mo. tapos sa personal, puro ka hi-hello. tapos nung naging tayo, puro ka pa rin hi-hello. abnormal.

J3: kamusta ka? may tanong ako, inisip mo bang ginamit kita para mawala ang espiritu ng katopakan ko sa katawan? kung oo, eeeengk. mali ka. minahal kita, yun nga lang, parang nasakal ako.wag kang mag-alala, shame on me din para quits.

M1: kamusta ka? pakyu ka. sinira mo ang highschool life ko. ubos ang limang taon ko para hintayin ka. sabi mo hindi ka pa handang makipagrelasyon, pero putakte! nakita ko karelasyon mo ngayon, AAAAARRGH! ayokong magsalita. siguro sooooobrang bait niya.

M2: kamusta ka? ga-graduate ka na. congratulations. aaminin ko, super crushes kita. pero pasensiya na, hindi mo kayang gawin yung mga sinasabi mo sa akin. makakahanap ka din ng iyo. yung mas maayos sa akin.sa itsura kong to? talagang nagustuhan mo ko? sus! lust is blind! hahaha!

R1: kamusta ka? yung OJT mo diyan? ayos ba? yung karelasyon mong panget? panget pa rin ba? humihiga ka na raw sa snow ah? ingat ka diyan. pakyu ka, nag-gaguhan nga lang tayo noon. gaguhan to the extremes, mark you. pero bestfriends pa din tayo. alam mo kung bakit? kasi gago ka.

R2: kamusta ka? nakakasira ka ng bait. hindi ko alam na ganyan ka ka-bobo. mag-shift ka na kasi, kukuha-kuha ka ng computer course tapos hindi ka marunong gumamit ng microsoft office? buti na lang hiniwalayan kita, baka kasi isahog mo sa kare-kare yung laptop ko eh.

R3: kamusta ka? patay na patay ka pa rin ba sa akin? sana naman hindi na. yun ang ayaw ko eh.tsaka wag kang bitter, ah? hindi ko kasi pinangarap tumagal sa relasyong parang wala akong ibang ginawa kundi tumunganga ng tumunganga dahil nakatitig ka lang sa akin.dukutin ko mata mo eh. tsaka ayoko ng epal, tama na yung ako na lang yung ganun.


at siyempre..


B1 (FTL) (shifting to bullet type)

-actually, ayokong magpaka-keso dahil baka dagain yung page ko.
-marami tayong plano diba? wag kang bumitaw agad.
-wala na sa katauhan ko ang pagiging flirt. seryoso. kaya you dont have to worry about anything. behave na `ko. ipagtanong mo pa.
-bat pagdating sayo, sobrang nabo-bobo ako? hahaha.
-sa dami ng nangyari at pinagdaanan natin, akalain ba nating magiging tayo talaga? astig!
-grabe ka, hindi kita ine-emotional blackmail no!
-kapag nag-aaway atyo, please, wag mo ng gawing issue yung kung naniniwala akong mahal mo ko o yung lahat ng taong dumating sa buhay ko.
-wag na din palang gawing issue yung career natin dahil for goddamn sake! hindi tayo artista!
-totoong willing akong magpa-convert para sayo.
-ay, wag mo na din palang gawing issue yung kung sino ang mas nagmamahal o kung sino ang palaging lugi kapag nag-aaway tayo.
-hindi option ang break up. okay?
-hindi nga lang ikaw ang tao sa mundo. naku, patay. eh ikaw ang mundo ko eh, pano yan?
-wag na wag na wag na wag mong sasabihing di ka worthy or deserving sa pagmamahal ko. you are worth the wait.
-ano nga ulit yun? butterfly in the colon? basta, ganun nararamdaman ko araw-araw. pinamumugaran na ng mga mariposa yung tiyan ko dahil sayo.
-okay lang kahit mag-abroad ka, susunod naman ako eh. kaya nga super aral na `ko ngayon.
-burahin na natin sa listahan na bawas-bawasan mo ang pag-inom. sige lang, uminom ka lang ng uminom. di kita pipigilan. wag lang tayo mag-away.
-sorry, hindi ko kayang abutin yung sinasabi mong forever, lalo na kung hindi ka nakikipag-cooperate.
-kahit kasing taas ng Mt. Everest ang pride mo, ayos lang. kasing haba naman kasi ng Great Wall of China ang pasensiya ko. limang balik yun ah?
-pag hihingi ka ng space, siguraduhin mong space nga ang hihingin mo. walastik ka naman eh, ang gusto mo mawala ka sa buhay ko.
-mag-open up ka. as in mag-open up ka!
-sabi nga, absence makes the love grow fonder. pero wag mo abusuhin. minsan kasi, excessive absences make the love vanish. come to think of it. diba?
-wala akong sinabing gusto ko ako lang ka=text mo. basta gusto ko lang malamn kung sino mga ka-ututang daliri mo. yun lang naman eh.
-hindi kita sinasakal. pero kung yun yung iniisip mo, edi sige. pero alam mo kung bakit ako naging ganun. alam na alam mo.
-wag kang magtaka kung bakit habol ako ng habol sayo. may nagsabi kasi sa akin na habulin ko daw ang tanging nagpapaligaya sa akin. ayoko din kasing dumating yung panahong sisisihin ko ang sarili ko dahil wala akong ginawa nung lumayo ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko.

-enough said. basta mahal kita. orn-orn.

4 comments:

engel said...

di ka player. pansin ko lang. =)

Jepoy said...
This comment has been removed by the author.
Jepoy said...

Ang emo emo naman :-D Baka dagain ang bahay mo...

caloy said...

engel: uy hindi ah? punks yan. hahahaha! :)

jepoy: utot mo. hahahaha! ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon. sira ang letse kong laptop eh. hahahaha!