Followers

May 5, 2009

lapit na..

ng eleksyon. pero di pa din ako nakakapagpa-register. karapatan ko naman daw yon. pero pano kung wala rin naman silbi ang boto mo?

boboto ka nga..pero kanino? pare-parehas lang naman yan. mga corrupt. tapos anong pinapangako nila? isang magandang kinabukasan para sa mga pinoy? disi-otso anyos ako pero alam ko naman lahat ng naging presidente, ganyan ang sinasabi. may nagbago ba? meron bang guminhawa?

minsan, naiisip ko rin na wala na tayong pag-asa. UNLESS, tayo mismo ang magsisikap. yung mga tulong na sinasabi nila sa mga kampanya, hanggang ngayon na mag-eeleksyon na ulit, wala pa rin akong maramdaman.

nasaan na yung pondo para sa edukasyon? nasaan na yung mas mababang bilihin para sa mahihirap? nasan na yung mga pangakong aayusin ang ganito at magpapalagay ng ganyan? bat wala naman akong mabalitaan na nangyayari? asan na yung mga libreng edukasyon? libreng pabahay? mas mababang presyo ng gasolina? tulong medikal para sa mga kababayan nating hirap at walang maaasahan?

di ko lubos maisip kung anong pinagkakaabalahan nila para di magawa ang mga proyektong naipangako nila para sa atin.

ang eleksyon, nagiging popularity contest na lang. nagiging showbiz. hindi na nakakatuwa. at nakakaligtaan na ang tunay na dahilan ng kanilang pagtakbo.

PUBLIC SERVICE po. baka nakalimutan nyo na at baka ang tanging iniisip nyo lang ay magpayaman. tama na ho. kami ho ang nahihirapan sa huli. wala rin hong naidududlot ng maganda yang mga ginagawa nyo sa amin. wag nyo kaming nakawan. wag nyong gamitin ang taxes namin para sa sariling interes.



kailangan pa bang ipamukha sa kanila yang mga bagay na yan para matauhan sila? putek na mga crocodile yan oh..badtrip.

No comments: