Followers

August 19, 2010

hindi na naubos ang random, putakels.

nandito ako sa foodcourt habang sinusulat to. wala namng kakaiba bukod sa napaka-unusual place ito para magsulat.


hindi ko rin alam.


basta gusto kong magsulat. magsulat habang naririnig ko ang bawat kalansing ng pinggan, kubyertos at baso. magsulat habang naririnig ko ang mga tawanan, mga bunganga ng katabi ko at paglalambutsingan ng mga magkasintahan.


pero hindi ako mapakali. gusto kong umalis. gusto kong lumabas at manigarilyo. gusto kong takbuhan lahat ng naririnig ko. lahat ng mga kalansing, mga tawanan, mga lambutsingan.


siguro dahil sa may nakita akong pamilyang masayang kumakain. nakakairita tingnan. hindi ko rin alam kung bakit naiirita ako pero siguro malaking dahilan ay ni kailan ma, hindi ako nakaranas ng ganoon. tuwing kakain kasi kami ng pamilya ko ng magkakasama, nandidiri ako. gusto kong isuka lahat ng kinain ko dahil alam kong nagpa-plastikan lang naman kaming lahat sa harapan ng kainan.




inaamin ko na hindi naging maganda ang resulta ng pagsasama ng mga magulang ko at hanggang ngayon, oo, inaamin ko rin, n kailangan ko ng tatay. sabihin na natin na sagad sa buto ang galit at pandidiri ko sa kanya pero tatay ko pa rin yung gagong yun.


iniisip kong isa yun sa mga dahilam=n kung bakit ako naging bakla, beki, bading o kahit ano pang gusto mong itawag. ayoko kasing tumulad sa tatay ko. ang tatay kong bumuo ng basketball team at may pang-reserba pa at may mga cheer dancer pa.


bigla kong naisip, akong-ako pala ang tatay ko. sa galaw, sa salita, sa itsura. nagkataon lang na bakla ako. siguro, ang pinagkaiba lang namin ay yung ayokong magkapamilya lalo na kung hindi ko naman talaga kaya pang panindigan.


teka, paano at kailan naman kaya ako naging bakla? kahapon, nung nagbabate ako at si enchong Dee ang iniisip ko? nung isang taon, nung unang beses kong nakilala si B? nung highschool, na puro bakla at babae halos ang kasama ko? nung elementary, na sabay-sabay kaming magbate ng mgga kaklase ko? nung pre-elementary, na ang first crush ko ay yung seatmate kong gwapo? o habang ipinagbubuntis ako ng nanay ko, itinadhana na akong maging beki?


hanggang ngayon naman, pala-isipan pa rin sa akin ling bakit ako naing ganito, pero masaya naman ako. hindi ako nagrereklamo. sa totoo nga niyan, nag-eenjoy ako. walang pretentions, walang pagtatago, walang wala. at wala mang formality, tingin ko naman, alam na ng lahat ng taong nakapalibot sa akin. hindi naman sila tanga at hindi ko rin naman tinatago. gusto ko lang na sila na ang maunang magsabi o magtanong. hindi naman ako magsisinungaling eh. para saan pa at pagtatago at pagsisinungaling kung umpisa pa lang ay nakakahalata na sila. hindi naman siguro sila magtatanong ng walang dahilan.


umalis na rin ako sa foodcourt, sa wakas. lumabas ako para manigarilyo at mag-isip. inisip ko kung ano ako sa mga susunod na panahon. iniisip ko kung ano ako pagtanda ko o kung tatanda pa ba ako. ewan, lahat naman ng bagay ayy walang kasiguraduhan hindi ba?


siguro magiging singer ako kung gugustuhin ko o kaya model, o kaya tagapastol ng baka sa malayong lugar. hindi ko alam, siguro, ako na ang kauna-unahang bakla na hindi alam ang gusto niyang gawin sa buhay niya. may pangarap ako, pero hindi ko alam kung tutuparin ko ba nag mga ito.

11 comments:

Jepoy said...

oo naman sus! Tuparin mo ang mga pangarap mo... Wag mong isipin ang mga emo shit na yan. Wag mo narin tignan kung ano ang panget sa family mo, tignan mo nalang ang maganda. I'm sure meron yan. Wag kang maging pesimistik. Ingungudngud kita sa sink dyan.

Kahit nangi-indian ka isang bro-hug para sayo at isang malaking encouragement na maganda ang bukas na nag hihintay sa taong hindi humihintong mangarap. sabi nga nila fly high and hit the mark (tama ba?! ahahaha) Potashet naging siryoso tuloy ako. Wag ka na mag emo okay hindi bagay eh.

Ang ganda ng structure and I love the honesty of this post. Kampay!! Woot!!

soltero said...

ume emo na ko sa post mo ng biglang sinabi mong gus2 mong maging model, napahalakhak ako bwahahhaha at syempre pwedeng pwede ka maging bwhhaha :P

sabi ko sa yo papanget ka pag puro drama! cheer up!! wag intindihin ang problema! :P

imsonotconio said...

I just hope everything will be ok

glentot said...

Kasalanan ni Enchong Dee ang lahat! Bwahahaha wala lang masabi. Hmm, more power?

Nimmy said...

pak! ikaw na ang maging singer. may looks ka naman, pwede ka ng mag-boy band. naks! artistahin! :)

goyo said...

sa enchong dee pala ang dahilan.hehe. honestly, nung una akong mapadpad dito, di ko iniisip na gay ka pala. Ayoko namang magtanong. Hehe. Tama si kuya jepoy, sobrang honest ng post na to. Cheer up dude!

Miggy said...

napaisip ako ng malalim sa post mo na ito kaibigan. basta ang alam ko lang, kung saan ka masaya doon ka dapat. basta ba sa kasiyahang iyon ay hindi tayo nakakasakit o may naagrabiyado.

yun lang. ingat lagi!

shenanigans said...

nakaka relate ako dito sobra. galit din ako sa daddy ko. bad trip siya! but you know what i realize? it doesnt do any good to me..

pareho din tayo about dun sa family. hindi sa naiinis ako pero naiinggit ako! magulo ang family ko ni hindi ko nga sila tinuturing na family. mga friends ko ang tinuturing kong family para sa akin sila ang pamilya ko hindi ko man sila ka-dugo

yan din siguro ang dahilan kung bakit ako laging naghahanap ng partner para maramandaman o mapunan yung atensyon at pagmamahal na kahit kailan hindi ko naramdaman

khantotantra said...

wala akong nakitang chatbox kayia makikicomment ako.

andami nio pala. Pero diba ang good thing about nun, marami kayong magmamahal sa isa't-isa?

aun lang po

itsyaboykorki said...

ello pers tym ko sa blog mo ... nays bery nays :)

rockylubrico said...

nice:)