Followers

June 8, 2010

random

hindi ako makapag-isip ng matino ngayong mga nakaraang araw..sabi nga ni nimmy, love high pa din ako kaya siguro ilang araw ng naka-tengga tong blog ko. hahahaha! ayoko din namang asarin ako ni jepoy na puro kakesohan na naman ang mga pinaglalalagay ko dito kaya magrarandom story telling tayo! yiheee!

-potahngena tong village (o sige, baryo) namin. hindi na mawala ang kaputa-putahang baha dito. leche! hahahaha! nakakaasar kasi nung isang araw pa huling umulan pero meron pa rin siya. mamatay na lahat ng bumakbak ng kalsada dito kasi di naman nila nasolusyonan yung baha, lumala pa nga lalo. pero naisip ko rin na kung lulubog mang muli ang tunasan sa baha, ayos lang. ibig sabihin, MORE RELIEF GOODS, MORE FUN! yehey!

naala ko tuloy yung kaputa-putahang ondoy na yun. maryosep! (hindi talaga maka-get over. hahahaha!) kasi nga hanggang bewang ko yung baha. (hanggang leeg ni glentot) (o sige, joke lang.ü) talagang more relief goods, more fun ang drama sa bahay. tapos lahat ng aplay aplayns yung mga de-kuryente naming kagamitan, nakataas. punyatang ref yun, kabigat-bigat! ayoko na, masakit sa puso ang paglalahad ng ondoy experience ko.

-kino-consider ko ang sarili ko na isang pagano. hindi naman kasi ako pala-simba. at nakasubok na ako ng sangkaterbang relihiyon. ayokong magsabi ng mga pangalan pero merong:

•nagpe-praise and worship na parang rumarakenrol.
•nagdadasal na parang may healing powers yung pastor tapos mega pikit ang mata tapos maya-maya nage-exorcist na.
•makapagbagbag-damdaming pagsamba, pero sabi nga nila, mas matanda pa amg ajinomoto kesa sa religion na yun.
•walang birthday, walang pasko, walang new year. anong klase to? amp.

marami pa sana pero di ko na rin matandaan yung iba. asar ever ako sa mga ganung religion. well, siguro, hindi ko lang nakagisnan yung mga ganun. iginagalang ko naman ang bawat relihiyon at alam ko, alam na alam ko, iisa rin naman ang pinanggalingan ng lahat ng iyan. (wooooo! praise the lord!) (biro lang.)

-hindi ko alam kung bakit paborito ko yung putanginang one more chance ni john lloyd at bea. sa totoo lang, wala naman akong makitang espesyal sa pelikulang yun bukod sa naiiyak ako (wag kang matawa) sa ilang eksena doon.

masasabi kong halos parehas sa kwentong yun ang buhay pag-ibig ko. mas majangas nga lang yung twists and turns ng akin. mas exciting kumbaga. kaya isusulat ko ang labstori ko at isa-submit sa star cinema para maging kauna-unahan nilang bold movie. naks! hahahaha! uy pero sabi nga ni jepoy dati, makulay daw ang buhay ko. edi sige, yung storya ng buhay ko ay gagawin kong crayola! yehey! (corny much! alam ko! ok?)

sa tuwing napapanood ko talaga ang pelikulang yun, hindi ko maiwasang i-flashback lahat ng mga pangyayaring katulad nun sa buhay ko. parang ako tuloy si popoy. (minsan si basha pero its like eeew kaya popoy na lang)

sabi ko hindi ako maglalagay ng kakesohan dito at alam kong doon na patungo to kaya ayoko na. hahahaha!

12 comments:

my-so-called-Quest said...

hey salamat sa pagdaan sa blog! :D
ingats lang ngayong tagulan. bumabaha pala dyan sa inyo.

at di ko pa napapanuod yung one more chance... hehehe

Nimmy said...

ikaw na ang malakas ang upper body. hahaha. tga-buhat ng ref. :)

Jepoy said...

putangenang basha 6'2'' sagwa much!

Kahit anog gawin mo may touch parin ng kakesohan ang entry mo?! Cheese balls much?!

alam kong nabasa ang laptop mo sa Ondoy experience at one month kang hindi naka pag porn,LOL

anteros' dominion said...

impressed ako anak, nabuhat mo ang ref..ayiii

kikilabotz said...

buti nga hanggang leeg lag ni glentot ng baha sa inyo..sa amin hanggang leeg din ng dalawang glentot..

caloy said...

my-so-called-Quest: you missed one half of your life. panoodin mo! hahaha!

nimmy: napilitan lang ako no..hahaha!

jepoy: yung desktop ko ang lumubog sa baha..pero itong laptop ko, sinalba ko ng very very well. mainit pa rin ang ondoy nights ko. hahaha!

anteros' dominion: ama, kung hindi ko kayang buhatin ang ref, baka hindi ko rin kayang buhatin ang jowa ko at mag* some text malaswa *kami. hahahaha!

kikilabotz: mababaw lang pala. hahahaha!

SOLTERO said...

awww...ganyan mga type ko...mala kargador ahahahhaa :P

ʎonqʎʇıɔ said...

nabaliw naman ako sa glentot reference. hahaha

goyo said...

hahaha. sa commment ako ni jepoy napa-react e. 1 month di nakapag-porn amp. hahahaha.

kcatwoman said...

grabe bumabaha rin pala sa inyo. kami , we're really praying na hindi na maulit yung sa ondoy. anyway, about religions, i attend church because i believe in its teachings tsaka naeenjoy ko yung camaraderie. dun na kasi ako lumaki. i respect your beliefs as well. have a nice day!!

Flor
kcatwoman
ldspinay

glentot said...

Hoy putah ka may special mention talaga ako dito duhr hindi aabot sa leeg ko yun kasi nakasalbabida na ko nun

caloy said...

soltero: ay ganyan din type ko, mga ma-utong. hahaha! joke lang. :)

citybuoy: estimate lang naman yun. :)

goyo: weh..gusto mo rin eh! hahaha!

kcatwoman: thanks. :)

glentot: sikat ka kasi kaya may partisipasyon ka dito. tse! hahaha