Followers

May 26, 2010

ang una at ang huli..(part4)

biglang isang araw, naisip ko na magkunwari na nabura ko ang number niya o kaya hindi ko talaga siya kilala. wala lang, baka sakaling ma-offend siya at siya na talaga ang kusang lumayo.


eh hindi epektib. leche. hahahaha! at tuwing naaalala ko yun, naririndi ako sa sarili ko, sobrang isip-bata wala. hahahaha!


nahihirapan kasi ako eh. isipin mo yun? parang ang ano lang..basta nakukumplikahan ako. eh textmate ko lang siya.


dumaan ang ang ilang linggo na parang wala lang..as in wala lang..sweet-sweetan, wala naman pala.


magmi-meet na kami. :)






eh siguro sobrang nakukulitan na sa akin..o laya para matapos na yung paghihirap niya, kasi sobra kong nangungulit ng meet up. eto na yung mga panahon na helpless na ko, na mahal na mahal ko na siya kahit sa text lang lahat ng lambutsingan namin.






january 31, 2009 
-saturday.


nagising ako ng sooooobrang aga. ewan ko. simula pa lang ng araw pero kinakabahan na agad ako. parang merong humahalukay ng puso ko nung umagang yun. pinilit kong alamin kung anong meron..at yun nga, shetpaks! magmi-meet na pala kami today! whew! need to fix myself. fix ng bonggang-bongga! di dapat mapahiya. this meet up will either make or break this relationship! (may relasyon nga ba?)


bigla akong natigilan.


ano nga ba kami?




were just a bunch of stupid textmates, hiding things from each other then assume that this will be a perfect relationship. puta. puta much. putaaaaaaaaaakte!


natetensiyon ako. pressure. uhmm..uhmm..nagdidiliryo. shet! ngayon lang ako kinabahan sa isang meet up!!


inayos ko ang sarili ko: -nagsipilyo (matagal-tagal na kasing hindi)
-naligo (normal ko naman tong ginagawa. pero limang beses ko ata kinudkod lahat ng mga itinatago kong ano..basta)
-nag-wax (normally, wala kong paki sa buhok ko, pero iba ngayon)
-nagpraktis ng ismayl (works wonders, you know? whahaha!)
-nagpabango (baka hindi epektib ang ligo eh.ü)


at ako'y yumakag na.


shet! nanlalamig kamay ko! ayan na naman yung kaba!

9 comments:

karen anne said...

bitin..haha, sana may part 5 pa to.lol

anteros' dominion said...

aw bitin pa rin

anak, sino itu!

:)

Aris said...

anuvey?! ituloy na ang kuwento. kalurkey ka. haha! :)

imsonotconio said...

whats yumakag?

caloy said...

karen anne: oo naman. meron yan. :)

anteros' dominion: ay nako ama! ikukwento ko..some other time. :))

aris: dapat may saktong pa-excite. :)

imsonotconio: umalis, tumuloy, lumarga. at kung ano-anong ka-conio-han pa ang gusto mong ipasok diyan. hahaha!

Jepoy said...

ma landi much?!

glentot said...

Ano yung yumaakag hifaluting naman...

lars (not my real name) said...

baka madissappoint ka. iba kasi yung tao sa text at tao na may flesh talaga.

lambutsing. LOL. kala ko kamag-anak ito ng pichi-pichi at iba pang kakanin.

Renz said...

may bitin factor talaga ^^ nice one