Followers

April 26, 2010

ang una at ang huli..(part3)

sabi naman niya, hindi daw siya iiwas, mga bata lang daw ang gumagawa nun. naisip ko, tama nga naman siya, ano yun? highschool? hahaha. we are not getting any younger right? kaya ayun, nagpatuloy pa rin yung mga pagte-text namin hanggang sa nagde-demand na akong makipagkita. wala lang. para..ano..ewan ko rin. para siguro masabi ko naman sa sarili ko na nakita ko siya kahit isang beses lang.

hindi kasi ata niya ugali makipag-meet up sa mga nakakatext niya. mapilit lang siguro talaga ako. gustong-gusto ko kasi talaga! puro na lang sa text nagaganap ang aksiyon. hahahaha! (hindi yan bastos) nung una, pinapag-isipan niya yung date. ewan ko dun kung bakit. siguro kasi, isisingit niya lang yung meet up namin sa lakad niya. pero okay na yun. sabagay, wala naman akong sinabing i-prioritize niya ako kasi HINDI NAMAN KAMI. nakakaasar isipin na pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, HINDI PA RIN KAMI. pagkatapos kong ibuhos ang pag-ibig (naks!) na pwede kong ibigay, HINDI PA RIN KAMI, eh hindi ko naman siya pwedeng pilitin sa mga bagay na ganoon.


wala naman akong hinanakit o ano pa man. masaya pa rin ako sa mga nangyayari sa amin. masayang-masaya. (haha. tanga lang eh no?)


ilang araw pa, pilipilit kong wag mahulog pa lalo. parang ayoko na eh. parang..


...


..


wala, baka mas masaktan ako. baka wala ring mangyari kunsakaling ipilit ko ang nararamdaman ko. shet ang hirap! hindi ko naman dapat pinoproblema tong mga bagay na to diba? parang ang bata ko pa masyado para magseryoso sa pag-ibig. at shet! kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin mapigilan yung sarili ko na problemahin to!


"ano bang meron sayo?"


"huh?"


...


"bakit ba?"


"wala..wala naman. ayokong sabihin. baka mapahiya na naman ako."


...


"hoy, bakit hindi ka nagreply?"


"wala..ayoko nga lang sigurong mapahiya ka."






itutuloy (na naman.)

9 comments:

Jepoy said...

Sus lagi nalang itutuloy! Parang precious hearts romance lang...

imsonotconio said...

nakarelate ako in a corny way hay!

ʎonqʎʇıɔ said...

daig mo pa marimar kung makapambitin. haha

i guess it's because i've never been through something like this.. parang nafafascinate ako. it's like i'm living vicariously through your experiences. haha

Mac Callister said...

makiki chismis ako sa continuation nito hehe

glentot said...

Sige ituloy mo lang ng ituloy hanggang sa sex scenes. Thanks.

caloy said...

jepoy: eh bakit ba! maggawa ka din ng merong tinutuloy! hahahaha!

imsonotconio: hindi ka nakakarelate kasi jejemon kami. ajejejeje

citybuoy: oo sige na, kunyari ako si bella aldama. yak! hahahaha!

mac callister: sige! sige! gusto ko yan! :) hahaha

glentot: bastos ka. walang ganun dito! hahaha! pero baka..depende rin. hahahaha!

JR said...

sus ginoo..itutuloy na naman?? lol ang tagal ng aksyon...cant wait ;-) di ka mabubuntis sa text hahaha

victor said...

Blogoserye. 'Yan ang tawag dito. LOL.

Lydia said...

Hi, nice blog & good post. You have beautifully maintained it, you must try this website which really helps to increase your traffic. hope u have a wonderful day & awaiting for more new post. Keep Blogging!