maraming salamat. :) salamat sa pagsubaybay. salamat sa pakiki-chismis. salamat sa lahat ng bagay na dapat kong ipagpasalamat sa inyo, online friends. pero, kailangan ko ng isara talaga ito. maglilipat na ako ng bakuran. napag-isip isip kong masyado na kaming maraming napagsamahan ni garapatainvasion. sa tingin ko, naabot na niya ang limitasyon niya, narating na ang hangganan.
lilipat na nga ako ng ibang bakuran, pero itong host pa rin na ito. :) blogspot forever to-its. LOL kailangan ko lang talaga lisanin ang pahinang ito. maraming masasakit na alaala ang nababalikan ko sa tuwing binubuksan ko siya. gusto ko ng bagong simula. sariwa, bagong bukadkad. may mas maaanghang na salita, mas matatabil na dila. mas matapang na pagkukwento, mas realistiko. titigilan na ang pagpapantasya sa nakaraan..basta, ibang caloy/chicomachine/
aaminin ko, masyado akong nasaktan sa huli naming paghihiwalay. pero hindi ko masyadong inisip. pasasaan ba't lalagpas rin ako dito't matutuloy ko na yung mga dati kong ginagawa. yung nung hindi pa kami nagkakakilala. (yung hindi pa ako blogger nun. LOL) kaya sabay sa paghihiwalay ay ang pagde-desisyong lisanin ang pahinang ito. makikita sa twitter account ko o sa facebook account (yung blog account ko) ang bagong url. uunder brainstorming pa rin siya kaya medyo maaasar kayo sa akin ng kaunti. hahaha! di bale, pag nag-grand comeback ako, mas bongga pa sa tsunami ng japan. LOL
maraming salamat ulit at magkita tayo sa bagong pahina. ciao! :D